Aklan Mission Trip 2019

Aklan Mission Trip 2019

May 27 – June 2, 2019.

My first ever mission trip – home away from home.

This should have been posted two months ago, pero hindi ako nagkaroon ng chance para isulat lahat ng na-experience at naramdaman ko sa Aklan pag uwi ng Manila galing sa Mission Trip. Or hindi lang din talaga ako nag bigay ng oras para dito, kasi feeling ko, nandito pa rin sakin yung pinaramdam na kagalingan ni Lord, so I’m scared that the overwhelming feeling might be lost once I put it into words.

I am not fond of posting in social media, kasi para sa akin, minsan hindi naman yun basehan para maging valid yung pakiramdam at experience. Nakita ko kung paano nag share yung iba kong mga ka-YFL tungkol sa mission trip nila and sometimes it made me think what if mag post na rin kaya ako? (kasi wala pa sa mga kasama ko ang gumagawa din! Shout out to them!) Pero sa tuwing mag co-compose na ako ng ilalagay, nawawala lahat ng naaalala kong experience. Siguro ayaw kong i-post kasi hindi naman talaga maiintindihan at mararamdaman nung mga makakabasa kung ano ba talaga yung gusto kong iparating.

Maybe it’s because I really don’t want to lose the real meaning of the mission in my heart.

frem

Hindi naging madali ang lahat while preparing for Aklan. Malayo, mahal, ‘di kaya ng budget, wala talagang pera, baka ‘di payagan, nag-eexam ako nun kaya ‘di ako makapag-prepare ng maayos, naisip ko pa, “what if may bagsak ako this sem? Edi lalong hindi ko deserve mag mission.” – lahat na lang ng rason na pwedeng maging hadlang para hindi matuloy, nagamit ko na. Pero mas naging masipag at magaling ang Diyos na gumawa ng paraan at rason sa akin para pumunta, kahit na ako mismo pinanghihinaan na ng loob at hindi sigurado kung matutuloy pa ba ako o hindi.

Sobrang clueless ako sa lahat ng pwedeng mangyari. I know deep inside that I am not prepared. Honestly, I signed up for Aklan kasi naisip ko nun, birthday ko yung unang araw, mae-experience kong i-celebrate yung birthday ko during mission. Indeed, God gave me one of the best birthday experiences. I celebrated it with my mission buddies at the airport. We were delayed for almost four hours, pero hindi namin akalain na blessing pala yun ni Lord para paglapitin kami bago kami isalang sa ibang lugar.

from left to right: Harvey – Kimchie – Mika – Em – Ivan. I am blessed and grateful to have you all as my first mission buddies!!! (let’s go Campus Based!!!)

Beyond the sea breeze of Kalibo was God’s embrace that welcomed us in Aklan, telling us that we made it.

We met the wonderful YFL Aklan. Sobrang nakaka-tuwang balikan yung mga bonding kasama sila, yung jamming, yung mga katuwaan at yung mga activities na ginawa namin magkakasama. We faced different challenges together and more than the purpose of sharing God’s message to them, we were also able to meet new friends. I will always treasure the laughter and the conversations we shared.

Hindi ko na maisusulat lahat ng nangyari mula sa simula hanggang dulo, pero hanggang ngayon, kapag binabalikan ko yung mga araw na yun, hindi pa rin nawawala lahat ng saya sa puso ko. I’ll always remember and keep everything in my heart.

Whenever I feel tired, binabalikan ko yung mga panahon na nagtiwala yung Diyos sa’kin at sa kakayahan ko na mag bigay. Binabalikan ko yung mga panahon na hindi siya napagod ipaalala sa’kin kung sino ako. Binabalikan ko yung mga panahon na tinuloy ko kung saan ako nag-simula.

Whenever I want to run away, forget everything and leave everything behind, binabalikan ko yung katotohanan na wala naman akong ibang mapupuntahan kundi Siya.

Finally, I was able to write something short before this academic year starts. Something to inspire myself for another battle that has been prepared for me. Siguro ito yung dahilan kung bakit hindi ko maisulat lahat ng ‘to noon, kasi ito yung magpapaalala sa’kin na, maging busy at magulo man yung mga susunod na araw, makalimutan ko ‘man alalahanin yung maliliit na bagay, mayroon akong puwedeng alalahanin at balikan.

I may try to run away from His hold, but He will always bring me back home.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s